Alden Maine Bon Voyage copy

MAMAYANG hapon ang alis nina Alden Richards at Maine Mendoza kasama ang production staff ng movie na isu-shoot nila sa Italy.

May stopover sila sa Abu Dhabi bago sila tumuloy sa Milan-Malpensa Airport. Huli ng anim na oras ang Milan sa Pilipinas. Wala pa silang ibinibigay na title ng movie na ididirek ni Mike Tuviera para sa APT Entertainment at GMA Films.

Maraming tanong ang AlDub Nation tungkol sa detalye ng biyahe nila pero tahimik ang production at ayaw mag-divulge ng mga puwedeng asahan ng fans habang wala sila sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Makakuha man kami ng ilang details tungkol sa biyahe, ayaw naman naming i-preempt, like kung sinu-sino ang makakasama nila sa shooting.

May nagtatanong kung kasama raw ang mommy ni Maine. Bakit naman hindi, siyempre gusto rin nitong masiguro na maayos si Maine, pero puwede rin namang hindi ito sumama dahil alam nitong hindi naman pababayaan ni Alden at ng staff si Maine.

Nasanay na rin naman kasi Maine na walang personal assistant.

Pero nakakatuwa ang fans, lalo na ang mahuhusay gumawa ng fan arts nina Alden at Maine, dahil marami na silang ginawa na nagpapakita ng ini-expect nilang puwedeng mangyari sa dalawa sa Italy.

Iginawa ni @djredmash, nagtatrabaho sa Dubai bilang art director sa isang ad agency roon, ng fan art iyong gusto ni Maine sa kalyeserye na dadalhin daw niya ang malaking teddy bear na bigay ni Alden kahit pinigilan siya ni Lola Nidora (Wally Bayola) dahil hindi raw siya nakakatulog kapag hindi niya yakap ang teddy bear. Sinalo naman siya ni Alden na siya raw ang magha-hand carry ng stuff toy papuntang Italy at ikukuha raw nila ng sariling seat.

True enough, iyon ang ipinadala sa amin ni @djredsmash na fan art, magkasama sina Maine at Alden with their luggages, at hand-carry nga ni Alden ang teddy bear. May ipinadala rin siya sa amin na may sariling Italian visa ang teddy bear.

May ibang fans na gumawa rin ng ibang fan arts, nasa Fontana de Trevi in Rome sina Alden at Maine, ang iba, nakasakay sila sa gondola sa Venice. Sasabihin nating nakakatawa, pero sigurado kami na ito ang paulit-ulit na panonoorin ng ADN habang naghihintay sila ng updates mula sa Italy.

Wish namin ang maayos na shooting ng first movie nina Alden at Maine na sila mismo ang bida. Ito ang magiging special gift nila sa kanilang fans sa pagsapit ng kanilang first anniversary sa July 16, sa kabila ng maraming bashing na natatanggap nila mula sa mga ayaw sa kanila.

Bon Voyage, Alden and Maine and the whole production staff at sa dalawa pang artistang susunod sa kanila sa Italy na kabilang sa cast ng movie. (NORA CALDERON)