HATID ng GMA News and Public Affairs ang buong puwersang pagbabantay sa isa sa pinakamainit na presidential election sa kasaysayan ng bansa — ang Eleksiyon 2016 special coverage.

Tampok sa coverage na mapapanood ngayong May 9 at 10 ang mga pinakabagong teknolohiya sa pagbabalita, kabilang na ang immersive graphics, 360-degree video camera, at live drone footage.

Pangungunahan nina Mel Tiangco, Mike Enriquez, Vicky Morales, Arnold Clavio, Howie Severino, at Jessica Soho ang Eleksyon 2016 coverage. Makakasama nila sina Pia Arcangel, Jiggy Manicad, Kara David, Ivan Mayrina, Rhea Santos, at Connie Sison. Higit sa pagbabalita, hihimayin nila ang mga detalyeng kailangang malaman ng publiko.

Kabalikat nila ang mahigit 100 GMA News reporters at stringers, DZBB reporters, at ang mahigit 300 miyembro ng RGMA provincial coverage teams mula sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ihahatid din ng GMA News Online ang pinakamainit na ulat sa mga Kapusong netizens, real-time — kabilang na ang partial at unofficial results para sa lahat ng posisyon sa national at local elections hanggang sa clustered precinct level — at ito ay accessible sa lahat ng uri ng devices.

Sa tulong ng GMA New Media, Inc., mayroon ding “Smart Search” na matatagpuan sa website ng GMA News Online kung saan maaaring mahanap ng online user ang partikular na kandidato, lugar o posisyong tinatakbuhan ng kandidato at makita ang botong nakuha nito. Isang 360-degree stream coverage rin mula sa GMA Eleksiyon2016 Headquarters ang puwedeng mapanood ng netizens.

Aktibo rin ang GMA News and Public Affairs social media teams sa Facebook, Twitter, Youtube, Instagram, Viber, FireChat, at Snapchat.

Papasada ring muli ang GMA-Facebook “Para Po sa Bayan” Jeepney. Hinihikayat nito ang mga botante na ipabatid ang kanilang hinaing, hiling, o tanong para sa susunod na mga pinuno ng bansa.

Sa ibang bansa, mapapanuod ang Eleksiyon 2016 coverage sa GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV International.

Katulong ng GMA sa Eleksyon 2016 coverage ang mga kilalang institusyon mula sa iba’t ibang sektor—ang Commission on Elections (COMELEC), Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT), Smart Communications, Philippine Daily Inquirer (PDI), Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), Inquirer.net, Catholic Media Network (CMN), Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL), University of the Philippines, Polytechnic University of the Philippines, Ateneo de Manila University, De La Salle University, Pontifical University of Santo Tomas, AMA Education System, Waze, Viber Philippines, Youth Vote Philippines, Philippine Entertainment Portal (PEP), Chamber of Commerce of the Philippine Islands (CCPI), at ang Philippine Bar Association.

Mapatelebisyon, radyo, online, social media, o mobile man, maaasahang ihahatid ng GMA ang pinakakomprehensibong coverage ngayong Eleksiyon 2016.