Isinilid sa mga sako at itinapon sa madilim na tambakan ng basura ang pinagputul-putol na bangkay ng isang babae at isang lalaki na pinaniniwalaang mga biktima ng summary execution, at natagpuan sa boundary ng Malabon City at Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ng Scene on the Crime Operations (SOCO), nasa 45-50 ang edad ng lalaki, kayumanggi, may taas na 5’0, habang ang babae ay edad 38-42, mahaba ang buhok at may taas na 5’0.

Isang binatilyong scavenger ang nakadiskubre sa mga sako dakong 5:00 ng umaga, sa compound ng Ang Chin Huan and Sons Resources Phils., Inc. na nasa boundary ng Barangay Tugatog, Malabon City at Bgy. 8, Caloocan City.

May mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, maging sa ulo, ang mga biktima. (Orly L. Barcala)

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget