GMA, Cavite – Isang balisang haligi ng tahanan ang nagbaril sa sarili matapos niyang patayin ang kanyang kinakasama at ang dalagitang anak nito sa loob ng kanilang apartment sa Governor’s Drive sa Barangay San Gabriel sa bayang ito, hapon nitong Miyerkules.

Hindi naman sinaktan ni Julimar Laylay Gomez, 37, ang apat na taong gulang na babaeng special child na anak niya sa live-in partner bago niya barlin ang sariling sentido.

Nauna rito, pinatay ni Gomez si Mary Ann Barrameda Bellen, 36; at anak nitong si Hyacinth Colia, 14 anyos.

Sinabi ni PO2 Virgilio S. del Mundo na posibleng ang problema ng pamilya sa pera ang nagbunsod upang gawin ni Gomez ang krimen, gamit ang isang .38 caliber revolver. (Anthony Giron)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog