AABOT sa 631 biktimang nakagat ng aso ang nagamot ng city health office (CHO) sa Ormoc City, Leyte ngayong taon base sa mga datos na nakalap mula noong nakaraang linggo.

Ngayong summer, aabot sa 539 ang nilapatan ng post exposure treatment (PET) at 92 sa mga ito ay nakitaan ng rabies immunoglobulin (RIG). Noong nakaraang taon, aabot sa 1,905 biktima, at 1,663 ang nilapatan ng PET at 157 sa mga ito ay may RIG ang ginamot ng CHO.

Naipresenta ni Rabies control program coordinator Elsie Jaca ang mga nasabing datos upang pabulaanan ang mga akusasyon na walang anti-rabies vaccine ang CHO para sa mga biktima na nakagat ng aso. Inamin niya na limitado lamang ang mga ito at kinakailangang bilhin na ng mga biktima kapag nawalan na ng supply.

Kinakailangang malaman ng mga tao na ang Ormoc CHO ay isang Animal Bite Treatment Center (ABTC), ayon kay Jaca nang makapanayam ng Philippine News Agency. Pinili ng Department of Health (DoH) ang Ormoc bilang ABTC, na kung tutuusin, ito lamang ang local government unit sa Regions 8 at isa sa iilang lugar sa Visayas na may sariling operational plan at regular budget sa rabies control.

Ito ay pinuri ng dog vaccination program ng city veterinary office. Noong nakaraang taon, aabot sa 23,007 ang binakunahan ng tanggapan. Nitong Marso 31, umabot na sa 8,592 aso ang kanilang binakunahan.

Hindi katulad sa Tacloban na may limang ABTC (na matatagpuan sa City Health Unite, City Hospital, Leyte Provincial Hospital, Eastern Visayas Regional Medical Center at Divine Word Hospital), nag-iisa lamang ang ABTC sa Ormic na hindi lamang nakatuon sa kanilang mga nasasakupan, kundi ang lahat ng tao sa buongs Leyte.

Noong nakaraang taon, 20 porsiyento o 392 ng 1,951 pasyente ang pinaglingkuran ng Ormoc ABTC mula sa ibang bayan.