Mayo 4, 2006 nang nabenta ang 1941 portrait ni Pablo Picasso na may titulong “Dora Maar With Cat”, na inialay niya sa pinakamamahal niyang si Dora Maar, sa isang auction sa Sotheby’s New York, sa halagang $95.2 million. Tampok sa portrait si Dora Maar habang nakaupo sa silya at may nakapatong na maliit na pusa sa balikat.

Ito ang itinuturing na ikalawang pinakamahal na painting noong panahong iyon, kasunod ng isa pang obra ni Picasso na naibenta ng $104 million noong 2004.

Isang artist, tinulungan ni Dora Maar si Picasso sa pagbuo sa obra na nagtatampok sa Spanish Civil War horrors. Si Dora Maar, na ang tunay na pangalan ay Henriette Theodora Marković, ay isang French photographer, makata, at pintor.

Ang hindi nagpakilalang buyer, na pinaniniwalaang isang Russian, ang siya ring bumili sa 1883 Monet seascape sa halagang $5 million, at isang 1978 Chagall biblical scene, ang “Paradise,” sa halagang $2.5 million.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito