Kate (Please crop) copy copy

Sorry, mga kaibigan, may nagmamay-ari na sa puso ng inyong dream girl.

Engaged na ang aktres at modelong si Kate Upton sa Detroit Tigers pitcher na si Justin Verlander. Kinumpirma ng 23 taong gulang na Sports Illustrated model ang balita sa E! nitong Lunes ng gabi sa Met Gala.   

“He asked me right before the season started, so we’ve been keeping it on the down low for quite a while, so I’m excited to finally be able to share it with the world,” pagsisiwalat ni Upton sa red carpet.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Idinagdag pa niya na hindi siya nagmamadaling magpakasal dahil, “(we) are enjoying the engagement period.” At kitang-kita sa mukha ng aktres na nagustuhan niya ang kanyang engagement ring. Lutang na lutang ang ganda ng The Other Woman sa isinagawang event suot ang Topshop silver gown at ilang alahas.

Apat na taon nang magkasintahan sina Upton at Verlander, 33. Sila ay nagkakilala habang panahong kinukunan ang isang video game commercial noong Pebrero 2012. Sila ay pansamantalang naghiwalay noon 2013 at nakipag-date ang aktres sa Dancing With the Stars pro na si Maksim Chmerkovskiy. Gayunman, sa simula ng 2014, muling nagkaayosa sina Upton and Verlander at mas naging seryoso sa kanilang relasyon.

“Kate’s there a lot for me,” pahayag ni Verlander tungkol sa kanilang relasyon. “And we’re just normal people. You know, normal relationship — believe it or not.”

“For us, we always try and work on our communication,” pahayag ni Upton sa E! At nitong Marso, tinanong si Upton kung ano ang sikreto sa matibay nilag relasyon. “We’re very open with one another and we’re each other’s best friend. He’s definitely my best friend, so I think that helps a lot.” (Yahoo News/Celebrity)