Nadine at James copy

BILANG Kapamilya stars din, kinunan ng reaksiyon sina James Reid at Nadine Lustre sa pagtapat sa pelikula nilang This Time (Viva Films) ng Just The Three of Us (Star Cinema) nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado.

“Hmmm, it’s a first time experience anything like this so I don’t really know how to react but I’m always believe in healthy competition,” sabi ni James. “Of course, we’re surprise as well and, yeah, I really don’t know how to react.”

“Nagulat din po ako,” sabi naman ni Nadine, “but then, I don’t know how to react kasi first time, ewan ko po. Ako po kasi first time ko rin ma-experience na mayroong dalawang movies same rin po ‘yung ano, playdate nila.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“And we’re happy naman po, kasi siyempre si Kuya Lloydie din naman po ‘yun, but then we’re not competing naman po with anyone, so we’re just really excited and happy po sa This Time.”

Dagdag pa ng aktres, confident sila sa This Time dahil lahat ng kasama sa production staff ay 110% ang ibinigay sa pelikula.

Samantala, angkop ang titulong This Time kina James at Nadine dahil ito ang unang pelikula nila simula nang opisyal na silang magkarelasyon. 

Ano ang pagkakaiba sa trabaho nila sa mga nakaraang pelikula nila na wala silang relasyon at hindi pa nagliligawan ngayong magdyowa na sila?

“It feels better po,” sagot ni Nadine, “kaya lang po in this movie hindi po katulad ng Clark and Lea (karakter nila sa On The Wings of Love) na sila talaga.

“So ito po ‘yung first movie namin ever na malabo po silang dalawa, so hindi together, hindi sila boyfriend/girlfriend dito.”

Sa loob ng dalawang buwang relasyon, may mga nadiskubre na ba sila sa isa’t isa na hindi pa nila nakita noong magkasama sila sa OTWOL?

“Wala naman po akong na-discover kay James kasi two years na po kaming magkakilala and almost everyday po kaming nagkikita, nagkakatrabaho, magkasama so parang 24/7 na rin po. Nakakatawa, marunong pala siyang magplantsa, ha-ha-ha. Nawerduhan lang po ako, wala lang, rather than that, wala naman akong ibang na-discover na,” tumatawang kuwento ni Nadine.

“It’s the same thing,” say naman ni James, “I’ve known her for two years, I like to think that I know her inside and out already, so it’s not really more learning on each other, it’s just having fun doing the movie together.”

Samantala, wala silang celebration para sa kanilang second monthsary nitong Abril dahil sobrang busy raw sila sa shooting ngThis Time at aminado ang binata na nalungkot siya dahil mas priority nilang tapusin ang pelikula.

Sa Mayo 11 ang ikatlong monthsary nila na tumapat sa kaarawan ni James kaya sabi ng aktor, “We’ll make it up next month (Mayo), we have a lot of time together.” 

“Birthday din po niya so doon na lang po,” salo ni Nadine. “May gift po ako sa kanya, secret na lang po ‘yun.”

Ipinaklaro sa JaDine ang kumalat na litratong naghahalikan sila sa isang kuwarto na matatandaang sinulat namin kamakailan.

Hindi naman daw kasama sa pelikula ang nasabing kissing scene.

“Is it true?” napangiting sagot ni James. “Siguro, totoo?” sabay tawa..

Nakakatuwa si James dahil wala siyang itinatanggi sa mga kinasasangkutan niyang isyu. Sa pagkakatanda namin, tanging ang isyu sa isang aktres ang hindi niya kinumpirma dahil pinagbawalan siyang magbigay ng komento.

Ang kuwento ng This Time ay tungkol sa magkababata na hindi nabago ang pagtitinginan bilang matalik na magkaibigan hanggang sa nagdalaga’t binata na at nagkahiwalay dahil pumasok sa magkaibang paaralan.

Tinawag na summer movie ang This Time na tuwing summer lang talaga sila nagkikita. Sabi ni James, excited siya sa ending ng pelikula dahil, “It’s so fun, colorful and it’s the most fun scenes I’ve done in any of the movies I’ve done so far, so I’m really looking forward to it.”

At dahil kuwento ng long distance relationship ang This Time, natanong si James kung nagkaroon na siya ng ganitong relasyon.

“I’ve never tried a long distance relationship, never and hence I’m not the kind of person believes in long distance relationship, but after playing this character makes me feel, you know, it’s possible. Feel that there’s the one for you that you go on distance, you wait anytime to be with them,” sagot ng binata.

Samantala, magkakaroon ng 31 block screening para sa pelikulang This Time ang isang grupo pa lang ng JaDine fans at wala pa ‘yung iba kaya excited ang dalawa.

Sa Mayo 3 ang premiere night ng This Time simultaneously sa Manila at Cebu at may live streaming at hati ang cast na dadalo. (REGGEE BONOAN)