Ni NITZ MIRALLES

Aljur AbrenicaNAPAKASIPAG mag-promote ni Aljur Abrenica sa Instagram ng primetime series nila ni Janine Gutierrez na Once Again, premiere telecast na ngayong gabi, pagkatapos ng Poor Señorita sa GMA-7. Ang dami niyang ipinost na picture nila ni Janine at pati trailer, ipinost din niya.

Excited na si Aljur na mapanood ng televiewers ang Once Again na simula ng tinawag niyang “second coming” niya sa showbiz. Ayaw niya ng term na “second chance” dahil negative ang dating.

“Kapag second coming, parang walang nangyari at positive ang dating. Ganito ko po nakikita ‘yung nangyari; isa po siyang misunderstanding between the network and the artist. Nakikita ko po siya, parang pagtatampo ng isang anak sa ama. Natural sa atin ‘yan. Ang pinakaimportante sa akin ‘yung pinanggagalingan. Kaya po tayo nag-aaway-away minsan dahil meron po tayo sa sarili natin na maganda sa pinanggagalingan natin, hindi lang natin alam kung paano mapag-uusapan, mae-express yung mga sarili nito,” paliwanag ni Aljur.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Masaya si Aljur na tapos na ang kabanatang ‘yun sa buhay niya at inamin niyang nagkamali siya, mali ang paraan niya sa pagpapahayag ng kung anuman yung hinahanap o hinihingi niya sa network.

“Inaamin ko pong mali ang naging paraan po natin, pero ‘yung pinanggalingan ko po sa kamalian na ‘yun, paninindigan ko po ‘yun dahil iyon po sa tingin ko po ay tama at hindi siya masama,” ayon pa kay Aljur.

Sinabi rin ni Aljur na mapapanood sa Once Again ang pagma-mature niya bilang tao at aktor. 

Sige nga, panoorin nga natin sila ni Janine mamaya sa “classic story about reincarnation and finding love one again”. Mula ito sa direksiyon ni Don Michael Perez.