Willie copy copy

MAY mga balitang lumabas na ipinaaaresto si Willie Revillame, kaugnay sa kasong isinampa laban sa kanya a few years ago. Kasunod nito ang balita ring ihihinto muna ang kanyang Wowowin game show sa GMA-7.

Walang katotohanan ang sinasabing pag-aresto kay Willie kaya nag-issue ng statement ang GMA Network:

“GMA Network’s well-loved daily game showWowowin with host Willie Revillame will take a short break this May.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Willie welcomes the brief vacation and is excited and busy preparing for the program’s first anniversary celebration upon its return.

Coinciding with Wowowin’s break, the studio facilities will be temporarily utilized for election coverage.

Fans and supporters can look forward to bigger prizes, more fun games and excitement from Wowowin.” - Angela Javier-Cruz, GMA Vice President for Corporate Communications.

Noong Biyernes, humarap din si Willie sa 24 Oras at ipinaliwanag na na welcome sa kanya ang two weeks vacation na hiningi rin niya, na tamang-tamang nasabay nga sa wala naman silang gagamiting studio for their show.

Sasamantalahin na rin daw niyang magpa-medical check-up, biro niya, hindi na raw naman siya bumabata. Pero hindi pa rin daw naman siya totally makapagbabakasyon dahil time din iyon para mag-isip siya ng bagong contest na magugustuhan ng mga manonood. Nagpasalamat din si Willie sa patuloy na pagtangkilik ng viewers sa kanyang show na nagtatala lagi ng mataas na ratings araw-araw, 5:00 – 6:30 p.m. Pansamantalang ipapalit sa timeslot ni Willie ang mga Kapuso Movies. (NORA CALDERON)