Mikoy copy

SPECIAL guest ni Mikoy Morales sa launching ng kanyang single na Ang Pusong Hindi Makatulog ang rumoured girlfriend niyang si Thea Tolentino. Dumating din ang kapwa GMA Artist Center talent na si Joyce Ching sa special day ni Mikoy.

Ang Pusong Hindi Makatulog ang first single ni Mikoy sa ire-release na Extended Play album this year. Matutuwa ang OPM dahil puro original ang songs sa album at ang first single nga ay komposisyon mismo ni Mikoy. Siya rin ang susulat sa ibang songs sa album at makikipag-collaborate sa iba pang mga awitin.

Nasulat ni Mikoy ang Pusong Hindi Makatulog noong hindi siya makatulog at sinimulan niya itong likhain two years ago. Ngayon lang niya natapos at nang kantahin niya sa harap ng press people ang ilang lines ng song, lahat napahanga. Maganda ang lyrics at ang music at lumitaw ang puntirya ni Mikoy na pop ballad genre niya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“I think I finally found my sound. This is me at ito ang sound na mapapakinggan n’yo sa akin sa iba pang songs na isasama ko sa album.” sabi ni Mikoy.

We’ll be hearing more of Mikoy’s compositions dahil sabi niya, nag-decide na siya to concentrate more sa kanyang music, pero hindi pa rin niya pababayaan ang acting. Regular siyang napapanood sa Pepito Manaloto as the gay friend of Jake Vargas at nag-i-enjoy siyang gumanap bilang bading.

Nakakabilib si Mikoy dahil nagpoprodyus din siya ng concert under SPARC Events kasama ang ilang kaibigan. First project nila ang concert ni Vincent de Jesus and given the choice, gusto niyang iprodyus ng concert si Ebe Dancel.

“Why him? Iba ang naging dating niya sa akin at ng mga sinulat niya. Iba ang tama ng songs niya, iba’ng talino siya,” sabi ni Mikoy. (Nitz Miralles)