Isinara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang De Venecia Highway sa Dagupan City para sa pagdiriwang ng Bangus Festival.

Ang De Venecia Highway Extension Road sa Dagupan City, Pangasinan ay bahagyang isinara sa trapiko kahapon, at lubusang isinara ngayong Sabado (Abril 30) upang bigyan daan ang selebrasyon ng Bangusan Street Party sa taunang Bangus Festival ng lungsod.

Kaugnay nito, pinapayuhan ng Kagawaran ang mga apektadong motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

(Mina Navarro)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol