Naghain ng not guilty plea ang isang Taiwanese, itinuturong pumatay sa kanyang misis na Pinay, sa Makati City Regional Trial Court (RTC) matapos siyang basahan ng sakdal kamakalawa ng umaga.

Dakong alas 11:00 ng umaga nang mag-plead ng not guilty ang akusadong si Yuan-Chang Kuo, 46, matapos ang basahan ng sakdal sa kasong parricide sa sala ni Makati RTC Branch 148 Judge Andres Soriano.

Itinakda naman ng hukuman ang pre-trial sa darating na Mayo 25.

Si Kuo ang sinasabing responsable sa pagkatay sa katawan ng kanyang misis na si Rowena Cobalida, 47,noong Pebrero 23 kasunod ng pagkakadiskubre sa putul-putol na bahagi ng bangkay nito sa loob ng kanilang bahay sa 6647 Taylo St., Barangay Pio Del Pilar.

National

Meralco, tapyas-singil sa kuryente ngayong Mayo

Selos ang isa sa mga tinitingnang anggulo ng awtoridad na sinasabing nag-udyok sa suspek upang paslangin ang kanyang asawa. (Bella Gamotea)