Katt copy

ATLANTA (AP) — Arestado ang komedyante at aktor na si Katt Williams nang batuhin niya ng salt shaker ang isang restaurant manager, kinumpirma ng pulis sa isang Atlanta suburb nitong Huwebes.  

Agad rumesponde ang mga opisyal sa Spondivits restaurant dakong 10:00 ng gabi, nitong nakaraang Miyerkules, ayon kay East Point police Capt. Cliff Chandler.

Nagtamo ng hiwa sa labi ang restaurant manager, at sinabi niya at ng mga saksi na si Williams ang may dahilan kaya siya nasugatan, ayon pa kay Chandler.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Pumasok sa nasabing restaurant ang ilan sa mga miyembro ng pamilya ni Williams, umupo sa napili nilang puwesto, at nagsimula ang pagtatalo nang sabihin ng restaurant staff na naka-reserve na sa iba ang lamesang napili nila, paliwanag ni Chandler. Nang dumating si Williams, mas uminit ang pagtatalo at doon na binato ni Williams ng salt shaker ang restaurant manager.

Matapos makapanayam si Williams, inaresto na siya ng mga officer at kinasuhan ng battery.

Siya ay nagpiyansa at nakalabas ng East Point jail, dakong 12:30 ng umaga nitong Huwebes.

Ayon sa abogado ni Williams na si Drew Findling, nakatakda niyang kapanayamin ang mga saksi at gumawa ng sarili niyang imbestigasyon sa pangyayari.  

“Every time this happens, coincidentally, we almost instantaneously will hear from some lawyer out there, and it just makes each and every one of these allegations questionable at best,” pahayag ni Findling.