Umani ng papuri ang dalawang kawani ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos nilang isauli ang isang wallet na naglalaman ng halos P70,000 halaga ng Saudi riyal na naiwan ng isang babaeng pasahero sa NAIA Terminal 2, kahapon ng umaga.

Kinilala ng airport authorities ang dalawang matapat na empleyado na sina APO1 Danilo Sanchez at Salvacion Paurillo, isang security guard, na nakapulot ng itim na wallet na naglalaman ng 38 piraso ng 100 riyal, tatlong piraso ng 50 riyal, P67,000 cash, at mga ATM card.

Nang buksan ang wallet, natukoy nina Sanchez at Paurillo ang may-ari ng wallet na si Beverlyn Nacario, isang pasahero ng Philippine Airlines na dumating mula Riyadh, Saudi Arabai dakong 10:45 ng umaga sa NAIA Terminal 2.

Ilang beses ipinatawag ang pasahero sa paging center subalit hindi pa rin ito tumugon, dahilan upang ilipat ng dalawa ang wallet sa pangangalaga ni Kamille Alcaide ng NAIA Terminal 2 Lost and Found Section.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Nang dumating si Nacario sa Lost and Found Section, nabawi niya ang kanyang wallet at ang lahat ng nilalaman nito, ayon sa airport authorities. (Ariel Fernandez)