ILANG buwan nang hindi napapanood sa Bubble Gang si Rufa Mae Quinto. Walang anumang dahilan daw na tinanggal sa show si Rufa Mae na ilang taon nang sunud-sunod na pinarangalan bilang Best Comedy Actress ng PMPC Star Awards for TV.

Kung nagtuluy-tuloy lang si Rufa sa gag show ng Siyete, malamang na masungkit na ng komedyana ang Hall of Fame award sa nasabing kategorya.

Pero hindi nawawalan ng pag-asa ang supporters ni Rufa Mae. Napabalita rin na inalok uli ng GMA-7 si Rufa para ibalik sa Bubble Gang na naging bahagi ng showbiz career ng aktres for the past 15 years.

Ang ikinaloka lang ng malalapit sa aktres ay tinanggihan daw ni Rufa ang offer. Pagkatapos daw kasing mapahiya dahil basta na lang tinanggal ay ibabalik naman.

Rhian Ramos, itinangging ginagamit siya ni Sam Verzosa sa politika

Pero hindi naman daw iyon ang totoong dahilan ng pagtanggi ni Rufa Mae.

“Naku, paano ba naman tanggapin ni Rufa ang offer ng Channel 7, eh, once a month lang ang taping niya pero mapapanood siya sa show every episode. Kumbaga, hahati-hatiin ang mga eksena niya into four parts,” sey ng aming kasamahang manunulat na malapit kay Rufa Mae.

Kahit apat na linggong mapapanood, para sa isang araw na taping lang daw ang tatanggapin niyang talent fee.

“Tinipid naman nila nang husto si Rufa. Mabuti sana kung hindi nagri-rate ang show na ‘yan na sa totoo lang, ang dami-dami namang commercials,” dagdag pa ng kausap namin.

Samantala, nalaman din naming umuwi na ng Pilipinas si Rufa kasama ang fiancé na si Trevor Magallanes. Baka raw magpakasal na ang dalawa bago matapos ang taon. (JIMI ESCALA)