BALETE, Batangas - Bangkay na nang matagpuan ng awtoridad ang isang retiradong pulis matapos umano itong malunod sa Taal Lake, sa bahaging sakop ng Balete, Batangas.

Kinilala ang biktimang si Vivencio Villanueva, 56, ng Barangay Ambulong, Tanauan City.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 7:45 ng umaga nitong Abril 25 nang lumubog ang bangkang de-motor na sinasakyan ng biktima at ng kapatid niya habang tumatawid sila mula sa Bgy. Calawit, Balete patungong Bgy. Ambulong sa Tanauan City.

Nakaligtas ang kapatid ng biktima, ayon sa report ng pulisya. (Lyka Manalo)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol