MASAYANG-MASAYA si Janine Gutierrez sa press launch ng bago niyang primetime drama-love story series sa GMA-7.

Biniro tuloy siya kung masaya siya dahil wala sa presscon ang kanyang Lolo Bo (Christopher de Leon)?

“Hindi po naman,” natatawang sagot ni Janine. “Pero thankful po talaga ako kay Lolo Bo na pumayag siyang magkaroon ng special participation dito sa aming serye. Dream come true po kasi sa akin iyon, matagal ko nang wish na makatrabaho siya. Kaya sa una naming eksena, talagang ninerbiyos ako. Pagpasok pa lang niya sa eksena, naramdaman ko na, tulad din nang una kong makaeksena si Mama Guy (Nora Aunor). Ang huhusay nila talagang artista. Sana nga mapahaba pa ang role niya para makasama ko pa muli siya.”

Love story ang Once Again at sa full trailer ng drama serye, sa reincarnation part, nakita nang may kissing scene sina Janine at Aljur Abrenica. Kumusta naman sila ngayong muli silang magtatambal ni Aljur, wala bang ilangan sa kissing scene at alam ba ito ng boyfriend niyang si Elmo Magalona?

Rhian Ramos, itinangging ginagamit siya ni Sam Verzosa sa politika

“Very comfortable na kami ni Aljur dahil ilang buwan din kaming nagkasama sa morning serye naming Dangwa. Marami na rin kaming napag-uusapan kung wala kaming eksena. Mayroon kaming similarities pagdating sa family namin, siguro dahil pareho kaming eldest sa magkakapatid.

“Tungkol po sa kissing scene, wala namang problema, hindi ko na ipinagpaalam kay Elmo, dahil alam niyang love story ang soap namin at magkakaroon talaga ng kissing scene. Iyon pong mga ganoong bagay, hindi na namin pinag-uusapan ni Elmo dahil naiintindihan namin na part iyon ng trabaho namin.”

Kumusta sila ni Elmo ngayong magkaiba na sila ng network?

“Okey po kami ni Elmo at masaya kami. Kahit medyo pareho kaming busy, nagkakaroon din naman kami ng time to be together,” nakangiting sagot ni Janine.

Sa May 2, pagkatapos ng Poor Señorita ni Regine Velasquez, mapapanood ang Once Again, mula sa direksiyon ni Don Michael Perez. Kasama nina Janine at Aljur sa serye sina Jean Garcia, Sheryl Cruz, Chanda Romero, Joko Diaz, Emilio Garcia, Timmy Cruz, Thea Tolentino at Jeric Gonzales. (Nora Calderon)