Jasmine at Anne copy

FINALLY, inamin na ni Anne Curtis Smith sa Gandang Gabi Vice noong Linggo na hindi siya boto kay Sam Concepcion, noong boyfriend pa ito ng kapatid niyang si Jasmin Curtis-Smith, dahil hindi ito matsika sa pamilya nila.

Guest ni Vice Ganda ang magkapatid na Curtis-Smith sa GGV at talagang ginisa niya ang dalawa tungkol sa kanilang lovelife at kung anong klase ang relasyon nila.

Dalawang taon na ang nakakaraan nang magkaroon ng confrontation sina Anne at Sam sa birthday party ni Vice sa isang pribadong club sa Bonifacio Global City. Matatandaan na naging malaking isyu na nang makita ng aktres si Sam ay sinigawan niya ito ng, “Why are you here? Who invited you? You are not classy enough to be here!”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Simula noon ay napabalita na laging nag-aaway na sina Sam at Jasmin hanggang sa tuluyan nang maghiwalay.

Aminado si Jasmin na hindi niya sinusunod ang Ate Anne niya, kaya nga itinuloy niya ang pakikipagrelasyon kay Sam noon.

Nabanggit din ng isa sa It’s Showtime hosts na tila walang pakialam si Sam sa pamilya ni Jasmin lalo na sa magulang nila, kaya never niyang nagustuhan ang singer/actor para sa kapatid.

Pero hindi raw si Anne ang dahilan kaya naghiwalay sina Sam at Jasmin base na rin sa pahayag ng huli noon.

Samantala, botong-boto na si Anne sa bagong boyfriend ni Jasmin ngayon na si Jeff Ortega,

“Masaya ako. Mabait talaga. Parang nakikilala ko na siya before pa. ‘Tapos nakikita ko kung paano siya um-effort kay Daddy, kay Mommy, cute,” sabi ni Anne.

Tama rin naman ang ate ni Jasmin dahil nga nanggaling na siya noon sa mga relasyon na hindi pangmatagalan, alam nito kung ano ang tama at mali.

Tinanong din ni Vice si Jasmin kung sino sa mga ex-boyfriend ng ate niya ang iniyakan nito ng husto’

“’Yung kapangalan din ng ano ko (ex-boyfriend), si Sam (Milby),” pambubuking ni Jasmin na ikinatawa ni Anne at habang tinutukso ni Vice.

Kabaligtaran daw ni Sam Concepcion si Sam Milby dahil todo effort at mega-tsika sa magulang nila at talagang nanligaw ayon sa kaugaliang Pinoy kahit laking Amerika ito.

Kaya naging boto si Jasmin kay Samuel Lloyd. Ang pinakaayaw niyang naging boyfriend ng Ate Anne niya ay si Oyo Boy Sotto dahil palagi raw pinaiiyak ang ate niya.

Hmmm, hindi yata kasama si Richard Gutierrez sa mga nabanggit o baka hindi ito nabalitaan ni Jasmin? (REGGEE BONOAN)