DAET, Camarines Norte – Anim na katao ang naaresto, kabilang ang ama ng isang kongresistang kandidato sa pagkagobernador, makaraang maaktuhang nagpapalabas ng isang malaswang video, nitong Linggo ng hapon.

Kinasuhan ang ama ni Rep. Cathy Barcelona-Reyes at limang iba pa sa paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code.

Sinasabing ang lalaki sa video ay ang kasalukuyang gobernador ng lalawigan, na katunggali ni Reyes sa pagkagobernador.

Ayon sa report, may nagreklamo sa pagpapalabas sa publiko ng video ng isang hubo’t hubad na lalaki at babae sa isang Isuzu Elf truck na may plakang AAQ-9439.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Agad na rumesponde ang pulisya at nadakip sina Romeo Gapoy Ibana, Aries Feleciano Babala, Janita Concordia, Jay-Ar Bacaen Gacho, Domingo Briones Margallo, at Cesar Espeso Barcelona, ama ni Reyes.

Pinahintulutang magpiyansa ng P30,000 bawat isa, maaaring makulong ng anim hanggang 12 taon ang mga biktima kapag napatunayang nagkasala sila. (Ruel Saldico)