BATA pa ang mga anak ni Alyson Hannigan na sina Satyana, 7, at Keeva, 3, ngunit alam na ng Penn & Teller: Fool Us host kung kailan niya papayagang mapanood siya ng mga ito sa cult classic na American Pie. 

“In college,” pagsisiwalat ni Hannigan sa The Insider With Yahoo online correspondent na si Hallie Stephens.

Paano niya inihahanda ang kanyang mga anak sa pagdating ng araw na papayagan na niyang mapanood ng mga ito ang kanyang pelikula?

“I’ll say, ‘Do you like your house? Yeah, it’s nice isn’t it? Yeah. It’s lovely,’” aniya.

Rhian Ramos, itinangging ginagamit siya ni Sam Verzosa sa politika

Naging bukas din ang 42 taong gulang na aktres, na nakikipagtulungan sa Asthma and Allergy Foundation of America para sa bagong campaign na tinawag na Allergy Intervention, sa posibilidad na gumawa ng isa pang American Pie flick. 

“I feel like I’m always the last to know,” aniya. “I don’t think so, but they could be reading the script right now.”

(Yahoo News/Celebrity)