DAVAO CITY – Natagpuan na nitong Biyernes ang katawan ng army major na nawala nang halos pitong araw matapos lumahok sa diving drill sa Island Garden City of Samal.

Sa pahayag sa media rito, sinabi ni Major Ezra Balagtey, ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom)-Public Information Office, na natagpuan ng mga technical diver ang bangkay ni Major Hector Dongail makaraan ang pitong araw na search at rescue operation sa Angels Cove sa Talikud Island, Samal Island sa Davao del Norte. (Alexander D. Lopez)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog