DINALUPIHAN, Bataan – Isang 47-anyos na lalaki na tinagurian ng pulisya bilang most wanted sa target ng Oplan: Lambat-Sibat, ang aksidenteng nabaril ang sarili gamit ang kanyang .45 caliber pistol, sa Barangay Pita sa bayang ito, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa police report, ang insidente ay iniulat ni Rolando Romando, chairman ng Bgy. Pita, na nagsabi sa pulisya na nagpapahinga si Joel Bacani sa loob ng bahay-kubo nito sa Purok 5, bitbit ang baril sa bag nito nang mangyari ang insidente.

Ginamit umano ni Bacani na unan ang bag na kinalalagyan ng baril, ngunit aksidenteng pumutok ito at tinamaan siya sa kanang balikat.

Hindi na umabot nang buhay sa Bataan Peninsula Medical Center si Bacani. (Mar Supnad)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog