Kinasuhan ng plunder ng isang senior citizen na ginang sa Office of the Ombudsman si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan kaugnay ng spaghetti gift package na ipinamimigay sa mga senior citizen ng lungsod.

Sa kanyang reklamo, sinabi ni Teresita Manalo, 69, ng Libis Asistio, Caloocan City, na simula nang manungkulan si Malapitan bilang alkalde ng Caloocan noong Hunyo 2013 ay noong 2015 lang siya nakatanggap ng spaghetti gift package.

Aniya, sa kanyang kaarawan nitong Abril 18, 2016 ay hindi rin siya nakatanggap ng spaghetti gift package mula sa pamahalaang lungsod.

“Bakit hindi ako nakatanggap ng regalo ngayong birthday ko, dahil ba ako ay supporter ng kalaban ni Mayor Malapitan sa pulitika?” pahayag ni Manalo.

National

143 Pinoy, pinagkalooban ng pardon ng UAE – PBBM

Inireklamo din ni Manalo na nagkaroon umano ng overpricing sa spaghetti gift package dahil umaabot lamang sa P200 ang laman ng package, na naglalaman ng spaghetti noodles, tomato sauce, corned beef, at keso. Sinasabing P340 ang halaga ng bawat gift package.

Reklamo pa ni Manalo, hindi rin siya nakatatangap ng P500 senior citizen pension kada buwan, na nakasaad sa Senior Citizen Act. (Jun Fabon)