Nadakip ang isang houseboy sa aktong tumatakas na brief lamang ang suot matapos niyang tangkaing halayin ang anak na babae ng kanyang amo sa Pasig City, nitong Huwebes ng gabi.

Inamin ng 20-anyos na suspek na si Wilbert Dimarangan, stay-in houseboy, sa pulisya na kursunada niya ang 21-anyos na biktima kaya tinangka niyang gahasain ito.

Ayon sa imbestigasyon, nagising ang ama ng biktima sa hiyaw ng anak na nagpapasaklolo dakong hatinggabi kaya agad siyang sumugod sa silid ng anak at naaktuhan niya si Dimarangan na brief lang ang suot.

Sinabi ng biktima sa pulisya na tinangka siyang gahasain at sinakal pa ni Dimarangan.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Magkahalong galit at pagkadismaya naman ang nadarama ng ama ng biktima dahil itinuring na niya umanong parang sarili niyang anak ang suspek, na pitong buwan pa lang na nagtatrabaho sa kanyang pamilya.

Kinasuhan na si Dimarangan ng attempted rape sa kabila ng paulit-ulit na paghingi niya ng tawad sa ama ng biktima.

(Betheena Kae Unite)