Sylvia, Arjo at Ria copy

SA wakas, natuloy na ang guesting ng magkapatid na Arjo at Ria Atayde sa Magandang Buhay morning show nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Supposedly, kasama nina Arjo at Ria ang nanay nilang si Sylvia Sanchez sa pilot episode ng Magandang Buhay, pero hindi magkatagpu-tagpo ang schedules nila kaya ilang beses na-bump off.

Busy si Arjo sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano, bisi-bisihan din si Ria sa kanyang out of town activities at abala naman si Ibyang sa taping ng Super D na nag-pilot na noong Lunes.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Timing lang na walang taping last Thursday sa Ang Probinsyano si Arjo dahil nakatuon muna kay Ritz Azul bilang Erica ang kuwento at nakapag-chance passenger naman si Ria kahapon din para makabalik ng Maynila nang mas maaga galing sa out of town show kaya umabot siya sa 1 PM taping ng Magandang Buhay.

Si Sylvia ang hindi umubra dahil kauuwi lang sa magdamagang taping, ilang sunud-sunod na gabi na siyang puyat, kaya hindi kinayang gumising ng maaga.

“Hindi ko kaya, ngarag ako, hindi ko maibuka ang mata ko,” kuwento ni Ibyang. “Kaya sabi ko, sina Arjo at Ria na lang. Kung nakauwi ako ng mas maaga sana puwede, eh, umaga na ako umuwi. Sa susunod na lang.”

Bukod doon, malat ang boses ni Ibyang kaya hindi rin siya makakapagsalita ng maayos kung sakaling sumama siya.

(Reggee Bonoan)