Isang 28-anyos na lalaki na tinangkang umawat sa suntukan ang sinaksak ng umano’y lasing niyang kapitbahay sa Pasay City, kahapon.

Inoobserbahan pa sa San Juan De Dios Hospital si Romnel Delfin, binata, walang trabaho, ng No. 1234 Ipil-Ipil Street, Mulawin, Pasay City, matapos magtamo ng isang saksak sa kaliwang dibdib.

Nagsagawa naman ng follow-up investigation ang pulisya upang maaresto si Dennis Orteza, nasa hustong gulang, at residente ng Mulawin, Pasay.

Ayon kay SPO1 Melvin Garcia, nakikipag-inuman si Delfin sa tatlo niyang kaibigan sa ikalawang palapag ng Dr. Cuasay Apartment sa Yakal Street dakong 2:00 ng umaga at nang palabas na ng gusali ay hinarang sila ng grupo ni Orteza.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nag-akusa ang suspek na isa sa grupo ng biktima ang naghagis ng bote ng alak sa kanila at nauwi sa suntukan ang kumprontasyon.

Sa pag-awat ni Delfin sa dalawang grupo, bumunot ng balisong si Orteza at sinaksak sa dibdib ang biktima.

(Martin A. Sadongdong)