INARESTO ang Disney star na si Kelli Berglund, bida sa Lab Rats ng Disney XD, sa Coachella Music Festival nitong Biyernes.

Nabisto ang 20 taong gulang na aktres sa pagsusuot ng pekeng ID, kinumpirma ng tagapagsalita ng Indio Police Department sa TheWrap.

Ngunit ang nangyaring ito ay hindi ikinasira ng araw ng aktres, na dokumentado ang lahat sa mga larawang ipinaskil sa kanyang social media account, at nagbahagi pa siya ng saloobin sa Twitter at sinabing, “thanks for the love coachella 2k16!”

Si Berglund ay gumaganap bilang bionic Bree Davenport sa Lab Rats, tungkol sa grupo ng superhuman teens na binabalanse ang buhay pamilya sa kanilang California town.

Teleserye

'Paki-cancel po ang swimming!'Harutan nina Kyle, Daniela sa ilog, usap-usapan

Hindi agad nagbigay ng pahayag ang Disney XD nang hingan ito ng komento ng TheWrap.

Si Berglund ang pinakabagong Disney star na lumabag sa batas. Nitong nakaraang Miyerkules, ang Jessie star na si Debbie Ryan ay humingi ng paumanhin sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng social media.

“Over the last few days I have had the chance to think about my actions, and I wish I had used better judgement,” pahayag ni Ryan sa Twitter. “I recognize that I am a role model and have always worked hard to set a good example for my millions of fans. I am so sorry to disappoint everyone.” (The Wrap)