TARLAC CITY – Isang babaeng estudyante sa Grade 9 ang paulit-ulit umanong hinalay ng kanyang pinsan sa nakalipas na anim na taon, sa Sitio Urquico, Barangay Matatalaib sa Tarlac City.

Sa ulat kay Tarlac City Police chief, Supt. Bayani Razalan, 14-anyos na ngayon ang babaeng paulit-ulit na inabuso ni Roan Marc Arcilla Roman, 23, binata, ng nasabing barangay.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, sa loob ng anim na taon ay nagtiis ang biktima sa paulit-ulit na pambababoy sa kanya ng suspek na nagsimula noong 2010—noong siya ay walong taong gulang pa lang.

Nabunyag lamang ang kalbaryong dinanas ng bata nang mapansin ng ina nito na may sugat sa kaliwang pulso ang biktima, hanggang sa ipagtapat nito ang tungkol sa panghahalay ng pinsan. (LEANDRO ALBOROTE)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog