Nanawagan ang Pentagon noong Martes sa China na muling ipahayag na wala itong plano na magpadala ng military aircraft sa Spratly Islands matapos gumamit ang Beijing ng military plane upang ilikas ang mga may sakit na manggagawa mula sa bagong airstrip sa itinayo nitong isla sa South China Sea.

Kamakailan ay binalewala ng Defence Ministry ng China ang mga tanong ng U.S. kung bakit ito gumamit ng military aircraft imbes na civilian sa evacuation noong Lunes mula sa Fiery Cross (Kagitingan) Reef.

Sinabi ni U.S. State Department spokesman John Kirby sa isang regular news briefing na mahirap maintindihan kung bakit kinailangang gumamit ng China ng military aircraft para sa paglikas. Idinagdag niya na ito ay "a problem" na tinatrabaho ng mga manggagawa sa "infrastructure improvements of a military nature."

Nanawagan si Pentagon spokesman, Commander Gary Ross, sa China na linawin ang mga intensiyon nito.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

"We urge China to reaffirm that it has no plans to deploy or rotate military aircraft at its outposts in the Spratlys, in keeping with China's prior assurances," aniya.

Nanawagan din si Ross sa lahat ng mga magkakaribal sa South China Sea na linawin ang kanilang mga pag-aangkin alinsunod sa international law at "avoid unilateral actions that change the status quo." (Reuters)