tabuena copy

Pursigido sina Philippine No.1 Miguel Tabuena at one-time Philippine Open champion Angelo Que na makasikwat ng karagdagang puntos upang makasama sa Rio Olympics.

Kapwa sasabak ang dalawang pamosong Pinoy golfer sa Panasonic Open Golf Championship simula sa Huwebes, sa Chiba Country Club Umesato Course sa Japan.

Ang torneo ay co-sanctioned ng Japan Tour at Asian Tour kung kaya’t may nakalaang world ranking point para sa Olympic qualifier.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

“My game is good. It is almost dangerous because I’m hitting the ball so well and I can target any pin but it can backfire on you because there are times when you need to play it safe. You can’t be aggressive all the time,” pahayag ni Tabuena sa panayam ng asiantour.com.

“I’ve played well in the big events this year and once you do well in those events, it feels that you can play anywhere. I’m really confident with my game and hopefully it shows up this week,” aniya.

Kasalukuyang nasa ika-37 si Tabuena sa Olympic ranking, habang nasa ika-49 si Que.

May kabuuang ¥150,000,000 (P12.6 milyon) ang premyo sa torneo.

Sisimulan ni Tabuena ang ratsada kasama sa flight nina Scott Strange at Hideto Tanihara. Makakasama naman ni Que, three-time Asian Tour winner, sa flight sina Jason Knutzon at Akio Sadakata.

Sasabak din si dating Asian Tour No. 1 Juvic Pagunsan sa flight nina Junaidi Ibrahim at Daisuke Kataoka.

Pumuwesto sa ika-13 sa Asian Development Tour’s Manila Southwoods leg, target din ni Tabuena na maagaw ang Asian Tour Order of Merit kay Marcus Fraser ng Australia. Lamang lamang ang Aussie star ng US$200,000.