Nakulong ang isang 22-anyos na enlisted personnel ng Philippine Navy dahil sa binitiwang bomb joke habang nasa MRT-Kamuning Station sa Quezon City nitong Martes ng hapon.

Sa report sa Quezon City Police District (QCPD)-Kamuning Police Station 10, kinilala ang suspek na si Thomas Dela Cruz, binata, isang Navy enlisted personnel na may ranggong apprentice seaman (ASN), at residenteng Barangay Curuan, Zamboanga City.

Ayon kay Supt. Pedro T. Sanchez, hepe ng Kamuning PS-10, dakong 2:40 ng hapon nitong Martes nang pumasok sa MRT Station sa Kamuning si Dela Cruz at mga kaibigan nito papuntang southbound.

Habang iniinspeksiyon ng security guard na si Rose Marie Mengo, 30, ang bag ng babaeng kasama ni Dela Cruz ay biglang sinabi ng suspek: “May bomba ang bag ng babae!”

Internasyonal

Dating posisyon ni Pope Leo XIV, ipinasa kay Cardinal Tagle

Nahaharap ngayon si Dela Cruz sa paglabag sa Presidential Decree 1727 o ang Bomb Joke Law, at nakapiit sa Criminal Investigation and Detection Unit sa Camp Karingal. (Francis T. Wakefield)