Naniniwala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nanapanahon na upang amyendahan ang batas sa kasong reckless imprudence resulting to death, dahil na rin sa lumulobong bilang ng namamatay dahil sa mga kaskasarong driver.

Sinabi ni LTFRB Board Member Atty. Ariel Inton na nakaaalarma na rin ang pagdami ng kaso ng hit-and-run, kaya dapat lang na magpasa na ng batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa ng pagkakakulong laban sa mga reckless driver.

Iginiit din ni Inton na dapat ding itaas ang halaga ng piyansa na ipagkakaloob sa mga sangkot sa reckless driving.

“Aside from increasing the penalty, I suggest that we impose a three-strike rule, meaning, once a driver has been charged for reckless imprudence resulting to death for the third time, the driver should not be allowed to post bail,” ani Inton.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

“Wala nang takot sa batas o sa mga nagpapatupad nito ang mga reckless drivers,” dagdag niya. “The commission of reckless imprudence cases resulting to homicide seems to be committed with impunity, it is almost intentional because of the utter disregard of traffic regulations and absence of road courtesy of reckless drivers.”

Aniya, hindi rin dapat ibasura ng korte ang kaso laban sa mga sangkot sa reckless driving dahil lamang umatras na ang complainant. (Czarina Nicole O. Ong)