MAS maikli ang tulog ng mga bata tuwing full moon, ngunit ilang minuto lang naman ito, ayon sa bagong pag-aaral sa mga bata sa iba’t ibang bansa.
Bukod dito, bigo ang bagong pag-aaral na maiugnay ang full moon sa mga aktibidad ng mga bata, upang malaman kung totoo ngang mas malikot sila kapag full moon.
Ang pag-aaral “provides solid evidence… that the associations between moon phases and children’s sleep duration/activity behaviors are not meaningful from a public health standpoint,” saad ng mga researcher, mula sa Children’s Hospital of Eastern Ontario Research Institute sa Ottawa, Canada, sa March 24 issue ng journal Frontiers in Pediatrics.
Ang sabi-sabing nakaaapekto ang buwan sa behavior ng mga tao ay nagmula pa noong unang panahon, ngunit may nadiskubre ang pag-aaral na maaaring maging ebidensiya para mapatunayan ito.
Sa bagong pag-aaral, sinuri ng mga researcher ang mga datos mula sa 5,800 kabataan, nasa edad 9 hanggang 11, mula mula sa iba’t ibang bansa (Australia, Brazil, Canada, China, Colombia, Finland, India, Kenya, Portugal, South Africa, ang United Kingdom at ang United States).
Lumalabas sa resulta na ang ativity level ng mga bata — kabilang na rito kung ilang oras sila nagiging abala kapag sila ay aktibung-aktibo, at kapag sila ay hindi gaanong aktibo — na halos pareho lamang kapag full moon at kapag new moon (kapag sinabing new moon ito ang pagkakataon na hindi nakikita ang buwan).
Gayunman, mas maikli ng 5 minuto ang pagtulog ng mga bata sa gabi kapag full moon, kumpara tuwing new moon. Ito ay katumbas ng 1 porsiyento ng kabuuang oras ng pagtulog ng mga bata, ayon sa pag-aaral.
Ngunit, hindi pa rin malinaw kung bakit hindi mas maikli ang tulog ng mga bata sa gabi kapag full moon. Isa sa mga maaaring dahilan ay ang liwanag na taglay nito, ayon sa mga researcher.
Kinakailangan pang ipagpatuloy ang pag-aaral na ito “to determine if the human biology is in any way synchronized with the lunar cycle,” o kung may epekto ang full moon sa ilang kabataan, ayon sa mga researcher. “Whether there is science behind the myth or not, the moon mystery will continue to fascinate civilizations in the years to come.”
(LiveScience.com)