claudine-barretto copy copy

NAG-LAST taping day na raw ang Bakit Manipis Ang Ulap na serye ni Claudine Barretto na co-produced ng Viva TV at TV5.

Tulad ng sinulat namin, mawawala na ang naturang serye dahil sa ilang problemang kinaharap ng produksiyon at nawala pa si Cesar Montano na kumakandidato pala.

Pero sitsit ng aming source, pagkatapos ng eleksyon ay may nakahandang bagong programa si Cesar. Siya ang magiging host ng ilo-localize na sikat na singing contest sa Korea na King of Mask Singer.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Franchise ito na binili ng Viva TV at ipalalabas sa TV5 mula sa direksyon ni GB Sampedro na kapipirma lang ng exclusive contract sa Viva Artist Agency.

Ang fantaseryeng Ang Panday ni Richard Gutierrez na tatakbo sana ng 26 weeks ay magiging 16 weeks na lang. Problema raw kasi ang timelost nito na hindi dire-diretso dahil nga sa PBA at nagre-replay pa.

“Paano ka gaganahang panoorin kung replay naman lagi?” sitsit ng mismong taga-Panday.

May source din na nagbulong sa amin na bilang na rin ang araw ng Happy Truck ng Bayan at Born to be A Star.

Mukhang hindi pa ayos ang problema sa entertainment department ng TV5 kaya hindi pa rin umaalagwa ang kanilang mga programa.

Mabuti pa ang news at sports department nila, walang problema kaya naman chill lang ang mga tao roon.

Sana makaisip ang Viva TV ng magagandang kapalit sa mga programang mawawala. (Reggee Bonoan)