PORTOVIEJO/PEDERNALES, Ecuador (Reuters) - Nililibot ang bansa na sinalanta ng lindol na pumatay na ng 413 katao, pinagninilayan ni Ecuadorean President Rafael Correa noong Lunes ang muling pagbangon na magkakahalaga ng bilyun-bilyong dolyar at posibleng malaking epekto nito sa mahinang ekonomiya.

Ngunit ang mga survivor na nakaharap ni Correa nitong nakalipas na dalawang araw matapos ang magnitude 7.8 na lindol ay may mas agarang pangangailangan: humihingi sila ng tubig.

“Reconstruction will cost billions of dollars,” sabi ni Correa sa pinakamatinding tinamaan na lungsod ng Portoviejo, kung saan dinagsa siya ng mga survivor na humihiling ng tulong.

Sinabi ni Michael Henderson, ng risk consultancy na Maplecroft na hindi kasing handa ang Ecuador tulad ng Chile, kung saan ang lindol noong 2010 ay nagdulot ng tinatayang $30 billion na pinsala.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

“Whereas Chile’s economy was rebounding strongly from the global financial crisis ..., Ecuador has been slowing sharply recently as lower oil prices depress activity,” aniya.

Nagrereklamo ang ilang survivors sa kawalan ng elektrisidad at mga supply, at hindi pa nakararating sa ilang lugar ang tulong. Umakyat na sa mahigit 2,600 ang sugatan. Mahigit 300 aftershocks ang nagpataranta sa mamamayan.

Pumipila ang mga takot na Ecuadorean para makakuha ng pagkain at kumot, natutulog sa mga gumuho nilang bahay o nagtitipun-tipon sa mga lansangan matapos ang pinakamapinsalang lindol na tumama sa bansa simula noong 1979 nang umabot sa 600 katao ang namatay sa magnitude 7.7 na lindol at halos 20,000 ang nasugatan, ayon sa U.S. Geological Survey.

Laganap na rin ang pangamba sa mga pagnanakaw sa Portoviejo kung saan tinatangay ng mga tao ang mga damit at sapatos sa mga nawasak na gusali at sinisikap ng pulisya na makontrol ang mamamayan.

WALANG PINOY CASUALTY

Samantala, kinumpirma ng envoy ng Pilipinas sa Ecuador na walang nasaktan o nasawing Pilipino sa pagtama ng 7.8 magnitude na lindol sa Pacific coast ng naturang bansa sa South America.

“We are so thankful to our dear Lord for making us all Filipinos safe here in Ecuador. No one suffered or got injured,” pahayag ni Philippine Consul Corazon Oliva de Reyes sa kanyang liham.

Sinabi naman ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Charles Jose na patuloy na mino-monitor ng Embahada ng Pilipinas sa Chile, na siyang may hurisdiksiyon sa Ecuador, ang sitwasyon sa mga apektadong lugar doon.

Sa tala ng DFA, mayroong 100 Pilipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Ecuador. (Bella Gamotea)