Namangha si Hungarian champion Zsolt Bedak sa mainit na pagtanggap ng mga Cebuano sa kanyang pagdating sa ‘Queen City of the South’ para labanan si Pinoy Flash Nonito Donaire, Jr. sa Sabado.

“I was overwhelmed. People here are so nice,” sambit ni Bedak.

Higit siyang natuwa nang dumugin ang kanyang isinagawang public workout sa Robinson’s.

“They really fine people. They love sports and boxing especially,” aniya.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Dumating si Bedak, gayundin ang kampo ni Donaire sa Cebu City apat na araw bago ang nakatakdang laban kung saan idedepensa ng Pinoy champion ang kanyang WBO super bantamweight championship sa Abril 23 sa Cebu City Coliseum.

Kumpiyansa si Donaire na maidedepensa ang korona laban sa dating Olympian.

“I’m 120%” sure to win this fight,” pahayag ni Donaire, sasabak sa kauna-unahang pagkakataon sa harap ng mga kababayang Cebuano.