Daniel copy copy

IBANG klase ang loyalistang supporters ni Daniel Padilla dahil kaliwa’t kanan na ang paghahanda nila para sa 21st birthday ng young actor sa Abril 26. Sabi nga nila, debut na niya.

Ilang buwan daw plinano ng mga grupong KathNiel KaDreamers World at Danielistaz na nandito sa Pilipinas at sa ibang bansa ang pagbibigay nila ng party kay Daniel, at take note, sa mamahaling venue pa gaganapin.

At dahil magkaibang grupo ang KathNiel KaDreamers World at Danielistaz, magkaibang oras at venue rin ang party nila na parehong dadaluhan ni DJ. Inimbita rin ng mga tagahanga ang ina ng aktor na si Karla Estrada at mga kapatid niya, at siyempre ang love ni Daniel na si Kathryn Bernardo.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Idagdag pa ang mga taga-Star Magic na nakatulong kay Daniel. Nakalimutan lang naming itanong kung inimbita rin ng grupo sina Boss Gabby Lopez, Ma’am Charo Santos-Concio, Ms. Cory Vidanes, Ms. Malou Santos at mga direktor na nakatrabaho ng aktor.

Sabi kasi nila, lahat ng nakatulong kay Daniel ay gusto nilang imbitahan.

Parang ang supporters na lang yata nina Daniel at Kathryn ang may ganitong pakulo para sa espesyal na araw ng binata dahil ‘yung ibang artistang nagdiriwang ng kanilang kaarawan ay waley naman kaming nababalitaan o hindi lang siguro aktibo masyado ang supporters nila.

Naaalala tuloy namin ang tambalang Rico Yan at Judy Ann Santos na ganitung-ganito ang estilo ng fans noon, kapag kaarawan ng isa sa kanila ay super bonggang party ang ibinibigay ng supporters. Katunayan, nakadalo pa kami noon sa isang party nila sa Terrace Grill.

Binabati namin ang lahat ng supporters ni Daniel o tinawag nilang Supremo dahil sa nakakabilib nilang pagsuporta sa idolo nila. At take note, all ages at all sexes pa sila. (Reggee Bonoan)