Patay ang isang 72-anyos na babae, ang kanyang anak at kanyang pamangkin makaraang masunog ang kanilang bahay sa Pasig City habang sila ay natutulog, kahapon ng madaling araw.

Nang magdeklara ng “fire out” ang mga bombero sa Sikap residential compound sa Sitio Sais, Barangay Kalawan, dakong 3:25 ng umaga, ay natagpuan sa loob ng nasunog bahay ang natustang bangkay nina Rosario Chan, 72; Constancia Chan, 50; at Benedict Chan, 21 anyos.

Tinangka ng mga kapitbahay na gisingin ang tatlong biktima subalit mabilis ang pagkalat ng apoy sa dalawang palapag na bahay ng mga Chan, ayon kay Senior Fire Officer Robert Marevilla.

Ayon din sa mga rumespondeng residente, nakakandado ang main gate at pintuan ng bahay ng mga biktima kaya hindi nila na-rescue ang mga ito.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Hinala ng mga arson investigator, electrical overloading ang pinagmulan ng sunog, na nagsimula dakong 2:30 ng umaga.

(Betheena Kae Unite)