MATAGAL na palang nasa rehabilitation center ang kapatid na lalaki ng premyadong aktor/direktor dahil nalulong ito sa droga at alak.

Naikuwento ito ng taong madalas na nakakapunta sa rehabilitation center sa bandang south na nagsabing sobrang pasaway daw at minsan na lang kung dalawin siya ng mga kaanak.

“Labas-pasok naman ‘yun (kapatid ng premyadong aktor/direktor) kasi hindi masaway, siguro nagsawa na rin sa kanya ang pamilya niya kaya doon na lang siya inilagak at saka bihira siya dalawin,” kuwento sa amin.

“’Yung kapatid niyang si _____ (premyadong aktor/direktor), hindi pa nadalaw do’n, siguro ayaw na makita siya ro’n.

Tsika at Intriga

Luis, isa sa pinaka-qualified na artistang tumakbo, tumatakbo sey ni Jessy

“Pasaway nga, naghahari-harian, palibhasa malaki ang katawan kaya hayun, takot sa kanya lahat.

“Ang gising ng lahat, 4 AM, kasi may exercises, eh, si _____ (kapatid ng premyadong aktor/direktor) gigising kung anong oras niya gusto at may sarili siyang kuwarto, kumpleto sa gamit at electric fan na cooler. Parang sa kulungan, siya ang boss at sinisilbihan.

“Samantalang ‘yung ibang pasyente sa sahig na may mattress lang natutulog, kasi walang kama ro’n.”

Tinanong namin kung bakit may special treatment gayong pampubliko naman ang rehabilitation center.

“’’Yun yata ang arrangement ng pamilya sa management, eh. Saka bossy talaga ‘yun. Masungit nga,” katwiran sa amin.

Puti na raw ang uniporme ng kapatid ng aktor/direktor na ibig sabihin ay magaling na at ready nang lumabas anytime, pero ‘tila hindi pa rin siya inilalabas doon ng kaanak. (Reggee Bonoan)