FINALLY, inamin na kahapon ni Toni Gonzaga sa ASAP 20 na buntis siya sabay pakita ng picture na kuha sa ultra sound.

Hindi lang binanggit ng TV host/actress/singer kung ilang buwan na ang kanyang pagdadalantao.

“God finally opened my womb and I’m expecting my first child,” pahayag ni Toni.

Nabanggit din niyang tatapusin niya ang kanyang commitments sa ABS-CBN. May in-announce kamakailan ang Dreamscape Entertainment na gagawin niya ang seryeng Written In Our Stars kasama sina Piolo Pascual, Jolina Magdangal at Sam Milby.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Gagawin pa rin natin, but we’ll take it slow,” sabi ni Toni.

Matatandaang sinulat na namin ang pagbubuntis ng misis ni Direk Paul Soriano na pinagtakhan ng maraming katoto noon kung bakit hindi niya inaamin at palagi lang sinasabing, “This is not the right time and proper venue.”

Nangako pala kasi siya na sa programang kinabibilangan niya ia-announce na buntis na siya. 

Kung hindi kami nagkakamali, nasa ikalimang buwan na ang nasa sinapupunan ng TV host/actress. (Reggee Bonoan)