Pia at Sam copy

“TANONG mo ba ‘to?” baling ni Miss Universe Pia Wurtzbach kay Sam Milby sa ASAP 20 kahapon nang tanungin ni Piolo Pascual kung sino ang nagpapasaya ng puso niya ngayon.

Inamin na ni Pia sa Tonight With Boy Abunda last week na exclusively dating sila ngayon ni Mikhail “Dr. Mike” Varshavski, ang tinaguriang sexiest doctor sa Amerika.

Pagkatapos handugan ng awitin si Pia nina Piolo at Sam kasama ang ibang Star Magic boys, naiwan ang dalawang aktor para kumustahin ang dalaga.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“You’re so busy abroad, pero balita namin... sasabihin ba namin ito...” sabay tawa ni PJ, “meron daw nag-aalaga ng puso mo! P, (tawag kay Pia), meron daw love doctor, totoo ba ‘yan? Kumusta ba lagay ng puso mo? Hayan, oh,” sabay pakita ng mga litrato nina Pia at Dr. Mike.

Natigilan si Pia at sabay sabing, “Masaya naman, bakit? Kaninong tanong ba ‘to, sa ASAP?” sabay lingon ni Pia kay Sam. “Tanong mo ba ‘to?” 

Hindi nakapagsalita si Sam, kaya ang sabi ni Piolo, “Sam, do you have anything to say?” Sabay pambubuko ni PJ na inamin sa kanya ng kaibigan na sobra itong ninenerbyos sa muli nilang pagkikita ni Pia.

“I don’t know why I’m so nervous, it’s been such a long time we’ve known each other, mga eight years na,” sabi ni Sam na tinanguan naman ni Pia.

Push pa more naman si Piolo sa kaibigan. 

“And, do you wanna say something?” sabi niya kay Sam.

“Miss U...” sabay hiyawan ng mga tao sa loob ng studio, “I mean Miss U (Universe), Miss U (Universe), we’re so proud of you,” ninenerbyos na sabi ni Sam.

Lalong natawa si Piolo habang titig na titig naman si Pia kay Sam. 

“Ano, Miss U?” tukso ni PJ.

Saka lang nagtangkang bumuwelo ulit si Sam, “We’re so proud of you as your friend also,” sabay iling ni Pia na napapangiti, saka sabay hawak sa noo, dahil hindi na malaman ni Samuel kung ano ang sasabihin.

Hindi naman siguro plastic si Pia, pero sa pagkakatitig niya kay Sam ay parang gusto rin niyang sabihing, ‘I miss you, too” ‘kaso nga dalagang Pilipina siya kaya dedma.

Anyway, pagkatapos mag-imbita ni Pia para sa coronation night ng Miss Universe (kagabi) ay sinabi ni Piolo na mag-usap na sila ni Sam sa backstage. (REGGEE BONOAN)