ALDEN copy

NARINIG namin sa tsikahan ng mga taga-GMA-7 sa isang restaurant na si Jennylyn Mercado ang magiging leading lady ni Alden Richards sa Pinoy version ng koreanovelang My Love From The Star.

Nagulat kami kasi hindi ba’t parang hindi naman magkaedad sina Alden at Jennylyn? At saka ano ang nangyari kay Maine Mendoza na ka-love team ng aktor sa kalyeserye nila sa Eat Bulaga?

Kaya pala hindi makasagot si Direk Joyce Bernal nang makausap ng ilang katoto sa isang event nang tanungin kung kasama ba si Maine sa My Love From The Star at ang sinigurado lang niya ay si Alden.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Samantala, nagtanong kami sa isang GMA-7 executive kung totoong si Jennylyn na nga ang makakatambal ni Alden at kung ano ang nangyari kay Maine.

“Actually, si Jen ang choice ng management, pero hindi pa namin nao-offer kasi hindi pa nagre-renew ng contract si Jen, I think sa May pa mag-expire contract niya, waiting pa,” sabi ng aming kausap.

Sa kampo naman ni Jennylyn, ang nakausap namin ay ang handler niyang si Katrina Aguila, anak ng manager niyang si Becky Aguila.

“Wala pa po kaming alam, wala pa kaming inoohan, baka po si Mama ang kausap. Pero as of now, wala pa kaming tinatanggap po,” pahayag ni Katrina.

E, baka nga hinihintay ng GMA-7 na mag-renew si Jen bago isapubliko ang seryeng pagsasamahan nila ni Alden.

Ang tanong, ano ang mangyayari sa love team nina Alden at Maine, pangkalyeserye, pang-commercial, at pampelikula lang ba? May nabababalita kasing pelikula na gagawin nila.

Wait na lang tayo ‘pag nag-renew na ng kontrata si Jennylyn sa GMA at abangan ang pelikula nila ni John Lloyd Cruz na Just The Three of Us sa Star Cinema mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina. Sa Abril 27 na ang playdate nila.

(REGGEE BONOAN)