May 176 na motorista at driver ang nahuling lumalabag sa batas trapiko sa mga pangunahing kalsada sa bansa sa unang dalawang oras ng muling paglulunsad ng “no contact” apprehension policy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Batay sa monitoring ng ahensiya, ilan sa mga karaniwang paglabag ang obstruction, reckless driving, prohibited loading and unloading on non-designated zone, overspeeding, at banned entering of underpass.

Ipinakita na seryoso sila, ilang tauhan ng ahensiya ang naghatid ng summon sa opisina ng Joanna Jess bus company na nasa Western Bicutan, Taguig, upang impormahan ito na isa sa kanilang mga driver ang lumabag sa no loading/unloading zone.

Sinabi ni MMDA chairman Emerson Carlos na lumikha ng “chilling effect” sa mga driver na dumaraan sa EDSA ang unang araw ng pagpapatupad sa polisiya.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

“There was light vehicular flow from East Avenue to Cubao area, Osmeña Avenue, some parts of EDSA during rush hour Friday morning and payday,” sabi ni Carlos.

Umaasa si Carlo na lilikha ito ng “behavioral” at “cultural” change sa mga driver upang maging disiplinado sa daan.

Sa mga kukuwestiyon sa kanilang paglabag, sinabi ni Carlos na malaya ang mga ito na magpresinta ng kanilang sariling ebidensiya.

“You can bring your own video if you have dashcam. In this policy we are giving the motorists all the opportunities to contest but at the same time, we will look at the circumstances,” ani Carlos. (ANNA LIZA VILLAS ALAVAREN )