Matapos maging viral sa social media ang larawan ng kanyang nobya habang bumabatak ng shabu, drug rehabilitation ang kinahinatnan ng kasintahan ng drug pusher na inaresto naman ng pulisya sa Pasig City.

Kinilala ni Chief Supt. Elmer Jamias, hepe ng Eastern Police District, ang naarestong tulak na si Roy Delarmente, 36, ng Barangay Bagong Silangan, Pasig City.

Kamakailan, naging viral sa Facebook ang larawan ni Emzie Jumawan na nagpapakita sa kanyang bumabatak ng shabu.

Ipinagbigay-alam ng isang concerned citizen ang kinaroroonan ni Jumawan na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Samantala, sinabi ni Jamias na naaresto si Delarmente, umano’y boyfriend ni Jumawan, sa ikinasang buy bust operation ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group at anti-drug council ng Pasig City sa Bgy. Manggahan dakong 2:00 ng hapon nitong Huwebes. (Betheena Kae Unite)