Abril 16, 1943 nang aksidenteng mainom ng Swiss chemist na si Albert Hofmann ang lysergic acid diethylamide (LSD)-25, isang synthetic drug na kanyang tinimpla noong 1938. Dahil dito, kinailangang itigil ni Hofmann ang kanyang trabaho, at dumanas siya ng mga halusinasyon at iba pang mga kakaibang pakiramdam.

Nang makarating sa kanyang bahay, pakiramdam ni Hofmann ay lasing siya, at “nakakita” ng mga kulay na ala-kaleidoscope-like habang sinisikap niyang makatulog.

Kinumpirma ni Hofmann ang resulta nang muli niyang inumin ang gamot, at muli niyang naranasan ang kakaibang pakiramdam sa katawan at isipan. Nagkaproblema rin siya sa pagsasalita, at hindi malinaw ang mga bagay na nakikita niya.

Ang LSD ay kinonsidera bilang isang hallucinogenic drug, sa paglalathala ni Hofmann ng kanyang resulta noong Abril 22, 1943.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito