Magsisilbi bilang mga Board of Election Inspectors (BEI) ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines(AFP) makaraang inilagay sa kontrol ng Commission on Elections (Comelec) ang tatlong bayan sa Lanao del Norte sa halalan sa Mayo 9.

Sinabi ni Comelec regional director Jay Balisado na kabilang sa mga lugar na kontrol nila ay ang bayan ng Kauswagan, Pantar at Lunungan.

Ayon kay Balisado, pinangangambahan ang failure of election sa tatlong bayan dahil sa presensiya ng mga armadong grupo mula sa mga magkakatunggaling nakaupo at dating opisyal. (Fer Taboy)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol