Iginiit ni Senator Francis “Chiz” Escudero ang kanyang pagtutol sa pagkakaroon ng mga drug addict at tulak sa hanay ng mga naninilbihan sa gobyerno.

“Bawal ang adik, bawal ang tulak sa gobyerno. Hindi dapat magkaroon ng ‘ni isa na adik o tulak sa gobyerno, dahil paano mo lilinisin ang bakuran ng kapitbahay mo kung sariling bakuran ng gobyerno napakadumi rin pala,” ani Escudero. “Una naming lilinisin ang gobyerno bago namin linisin ang bawat barangay at bawat bakuran sa ating bansa.”

Naglatag din ng mas kongkretong plano si Escudero, na kandidato sa pagka-bise presidente ng Partido Galing at Puso, para labanan ang salot na droga sa pagsasagawa ng mandatory drug testing sa lahat ng tauhan ng gobyerno.

Aniya, hindi nila gagayahin ang mga nakaraang administrasyon na ‘tila naging pabaya sa pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

“Itinuturing po naming threat to national security ang problema ng droga. Ito’y hindi simpleng talumpati kundi polisiya. Kapag sinabi n’yong threat to national security ang problema sa droga, ginagawa na po namin ang unang importanteng hakbang sa pagresolba ng problemang ito—ang pag-amin ng gobyerno na problema na ang droga sa Pilipinas,” dagdag ni Escudero. (Leonel Abasola)