Siniguro ng University of the Philippines na hindi na sila dadaan pa sa playoff nang gapiin ang Adamson Falcons, 31-29, 18-25, 25-18, 25-22, kahapon para angkinin ang No.4 spot sa Final Four ng UAAP men’s volleyball tournament sa San Juan Arena.

Nakopo ng State U ang huling semi-final berth tangan ang 8-6 karta. Bunsod ng panalo, opisyal na ring sibak ang Far Eastern University Tamaraws na bahagyang nabuhayan nang magwagi sa UST Tigers sa unang laro.

Umasa silang makakasilat ang Adamson para maipuersa ang do-or-die laban sa Maroons.

Hataw si Wendel Miguel sa UP sa nakubrang game-high 21 puntos, habang kumana si Alfred Valbuena ng 20 puntos.

John Amores, hindi banned sa liga; hatol ng PBA, pansamantalang suspensyon

Makakaharap ng Adamson ang No.3 seed National U sa playoff, habang mapapalaban ang Maroons sa top seed at defending champion Ateneo Blue Eagles.