CAMILING, Tarlac - Isang 28-anyos na babae ang pormal na dumulog sa himpilan ng pulisya sa bayang ito upang ireklamo ang isang pari ng Divine Church of Christ na nag-abandona sa kanya at sa tatlo nilang anak dahil may bago na itong kinakasama sa Camiling, Tarlac.

Ito ang napag-alaman sa report ni PO3 Mary Jane Isidro, na kinilala ang inireklamo sa pangalang Father Mar, 35, ng Barangay Pindangan 2nd, Camiling.

Ayon sa nagreklamong babae, na taga-San Fabian, Pangasinan, 12 taon silang nagsama ng pari at nagkaroon sila ng tatlong anak hanggang sa iwan sila nito noong Nobyembre 2015.

Habang mag-isang binabalikat ang pagpapalaki sa kanilang mga anak, nabalitaan ng babae kamakailan na may bago nang kinakasama ang pari, at dalawang buwang buntis na ito.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Pinakiusapan umano ng babae ang pari na magbigay ng sustento pero hindi siya nito pinansin, kaya nagpasya siyang ireklamo na ito. (Leandro Alborote)